Tuesday, November 9, 2010

RIP



Malakas ang bugso ng hangin,
Tila bagyong paparating;
Agad idinipa ng bisig,
Parang ibon sa himpapawid.


Bumuhos ang mga alaala,
Parang pelikula;
Kahit pikit ang mga mata,
Mga pangyayari'y kitang-kita.


Pag-ibig na pinakawalan,
Posas na di matakasan,
Dahil sa mga tinig ng taghoy.
Paalam... ang mahina kong tugon.


Sa huling pagkakataon, langit at sinilayan.
Wala nang ibong nag-aawitan.
Mga puno'y kinawayan,
Pagpatak ng daho'y sinabayan.


Ulirat ay ginising
Ng isang lagabog.
Naiwan ang sakit
Sa katawang lasog.


Mundo'y hindi natakasan,
Pait ay naulit lamang.
Pusong duguan,
Parang kaluluwang

Pinagkaitan ng kamatayan.


--
galing sa balon ng aking kwaderno
Hindi ko na maalala kung para kanino ito.

0 comments:

Post a Comment